Mahika ng Lupa
“Ang Natatanging Mahikal na Materyal na Ginagawang Buhay ang Kamatayan.”
– Sadhguru
Ang kilusang Sagipin ang Lupa ay tungkol sa pagbubuklod ng sangkatauhan upang panatilihing buhay ang mahika ng lupa.
Watch The Save Soil Documentary
Ngunit...
Ano ba talaga ang lupa at ano ang ginagawa nito?
Ating alamin sa isang pagsusulit sa ibaba.
Tanong 1 / 6
Ang Lupa ay______
Ang lupa ang batayan ng ating buhay. Pero...
Ang agrikultura, pagkawala ng gubat, at iba pang mga salik ay nagpasira at nagguho ng ibabaw ng lupa sa nakababahala na mga rate. Sa buong mundo, 52% ng lupang pang-agrikultura ay nasira na. Ang mundo ay nasa krisis. Kung magpapatuloy ang kasalukuyang antas ng pagkasira ng lupa, ito na ang katapusan ng buhay gaya ng alam natin.
Sirang-sira
Sira
Matatag
Walang Mga Halaman
Ang Mundo ay nasa Krisis
Krisis sa Pagkain
Sa 20 taon, inaasahang mababawasan ng 40% ang produksyon ng pagkain para sa 9.3 bilyong tao.
Ang mahinang lupa ay humahantong sa hindi magandang nutrisyunal na halaga. Ang mga prutas at gulay ngayon ay naglalaman na lamang 90% na mas kaunting sustansya.
2 bilyong katao ang nagdurusa ng kakulangan sa nutrisyon na humahantong sa maraming sakit.
Kakulangan sa Tubig
Ang mga natutuyot na lupa ay hindi kayang sipsipin at kontrolahin ang daloy ng tubig.
Ang kakulangan sa kakayahang mag-ipon ng tubig ay humahantong sa kakulangan sa tubig, tagtuyot at pagbaha.
Ang organikong bagay ay maaaring humawak ng hanggang 90% ng timbang nito sa tubig at dahan-dahan itong nailalabas sa paglipas ng panahon. Malaking tulong ito sa mga lugar na may tagtuyot.
Kawalan ng Saribuhay (biodiversity)
Sinasabi ng mga siyentipiko na 27000 uri ng buhay ang nawawala kada taon dahil sa pagkawala ng tirahan.
Ang krisis ay umabot na sa punto na 80% ng biomass ng mga insekto ay nawala na.
Ang pagkawala ng biodiversity ay higit na nakakagambala sa lupa bilang tirahan at pinipigilan ang pagbabagong-buhay ng lupa.
Pagbabago ng Klima
Ang carbon na nakaimbak sa lupa ay 3x kaysa sa buhay na mga halaman, at 2x na nasa atmospera, na nangangahulugang ang lupa ay mahalaga para sa pagsamsam ng carbon.
Kung ang mga lupa sa mundo ay hindi muling bubuhayin, maaari silang maglabas ng 850 bilyong tonelada ng carbon dioxide sa atmospera na nag-aambag sa pagbabago ng klima. Ito ay higit pa sa lahat ng mga emisyon ng sangkatauhan sa huling 30 taon na pinagsama-sama.
Kawalan ng Kabuhayan
Libu-libong magsasaka ang nagpapakamatay dahil sa pagkaubos ng lupa.
74% ng mahihirap ay direktang apektado ng pagkasira ng lupa sa buong mundo.
Tinataya na ang halagang nawawala sa mundo dahil sa pagkalipol ng lupa ay nasa US$10.6 trilyon kada taon.
Labanan at Migrasyon
Ang paglaki ng populasyon, at ang kakulangan sa pagkain at tubig ay maaaring maging sanhi ng mahigit 1 bilyon na lumipat sa ibang mga rehiyon at bansa pagsapit ng 2050.
Malaki ang naging papel ng mga isyu sa lupa sa mahigit 90% ng mga pangunahing digmaan at away sa Africa mula noong 1990.
Mula sa Rebolusyong Pranses hanggang sa Arab Spring, ang matataas na presyo ng pagkain ay binabanggit bilang kadahilanan sa likod ng mga malawakang kilos protesta.
Lupa: Isang Pangkabuoang Solusyon
Halos bawat pangunahing krisis sa ekolohiya ay, sa ilang antas o anyo, isang kahihinatnan o sintomas ng pagkasira ng lupa. Katulad nito, halos lahat ng ukol sa kapaligiran o sakit na nauugnay sa kapaligiran ay maaaring matugunan sa pamamagitan ng paglikha ng malusog na lupa.
Sa katunayan, isang pagkakamali ang isipin na matutugunan natin ang anumang aspeto ng ating kapaligiran nang hindi tinutugunan ang kabuuan, dahil walang aspeto ng ecosystem ang gumagana nang hiwalay.Walang solusyon na kumpleto hangga't hindi natin nalalaman na ang buhay ay isang kumplikadong bagay, na lahat ay nangyayari nang magkakasabay. Sa maraming paraan, ang Lupa ang pinagbabatayang plataporma kung saan umuusbong ang buhay. Kung aayusin natin ang lupa, tayo ay magkakaroon ng pinakamagandang pagkakataon na maayos ang kabuuan.
Ano ang Sinasabi ng mga Eksperto?
Ang sinasabi ng siyensya?
S.O.S - Sagipin ang Ating Lupa?
Pamamahala ng Lupa
Indian Space Research Organisation
Biodiversity
Sa buong mundo, humigit-kumulang 24 bilyong tonelada ng matabang lupa at 27,000 bio-species ang nawawala bawat taon
Ulat ng UN: Ang mga sakahan sa Mundo ay umabot sa 'isang kritikal na sitwasyon'
Pagbabago ng Klima
Ang sistema ng pagsasaka at agrikultura sa mundo na negatibong apektado ng klima at nasira ng polusyon ay dapat mabilis na lumipat sa napapanatiling mga kasanayan upang pakainin...
Oh Lupa
The fragrance of the soil
Somehow is more tenderness to me
than the fancy fragrance of the flower
The strength and sensitivity of life
held in the soil
lets off waves of passion of a
different sort.
Passion not of a person
but of my species
that has gone insensitive
to all that nurtures it
and absorbs it at its end.
As I walk barefoot, I break down
with Passions so profound
that it defies all descriptions.
Oh ' Lupa, Aking buhay
Tula ni Sadhguru
GAWIN NATING MANGYARI ITO!